MANILA BAY UMAPAW
Nagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko matapos na umapaw ang tubig sa sea wall ng Manila Bay at umabot sa kahabaan ng Roxas Boulevard bunsod ng malalakas na hampas ng alon at hangin kaninang umaga na natapat pa sa high tide.
Nabatid na umabot hanggang bewang ang tubig mula Quirino Ave. hanggang sa tapat ng US Embassy sa magkabilang panig ng Roxas Boulevard.
Mismong ang loob ng US Embassy ay pinasok ng bahang nanggaling sa umapaw na dagat kaya pinauwi na ang mga empleyado nito bago pa ma-trap ng lumalalang sitwasyon.
Maging ang opisina ng Philippine Coast Guard (PCG) ay pinasok din ng naglalakihang hampas ng alon kung saan umabot sa tuhod ang tubig nito sa loob ng tanggapan.
Gayunpaman, sinabi ni PCG spokesman Lt. Comdr. Armand Balilo na hindi ito nakasagabal sa patuloy nilang rescue operation sa iba pang bahagi ng Metro Manila at mga lalawigang patuloy na hinahambalos kanina ng pagsusungit ng panahong dulot ng papaalis na bagyong ‘Gener’.

—
No comments:
Post a Comment